Biyernes, Pebrero 3, 2012

Ang Duwende

Madalas naririnig ko sa kuwento ng ilang ang tungkol sa mga di-karaniwang pangyayari. Isa dito ang tungkol sa DUWENDE. Sabi ng iilan sila ang mga di karaniwang tao na nakatira sa punsod na nagbibigay ng swerte o malas sa tao. Sa amin iba ang aming nararanasan at tunay kwento tungkol sa hiwagang ito. Noong ako ay nasa Elementarya pa lamang, madalas pinapasukan ng kung ano anong espiritu ang aking ate sa kadahilanan daw na sya ay mabait kaya sya nagustuhan ng mga into...Ang unang nakapasok sa kanya ay ang tinatawag natin na KAPRE, sabi ng kapre ibigay nya ang lahat sa aming pamilya kung hahayaan namin na ibigay sa kanya ang aking kapatid nababae. Pero hindi kami pumayag, dahil dun nagwala ang espiritu na pumasok sa aking ate..takot na takot ako sa oras na iyon, bagamat pilit ko nilalabanan ang takot dahil buhay ng aking ate ang nakataya. Di lumaon lumabas ang KAPRE sa ate ko, at biglang pumasok itong isa pang espiritu na nagpakilala naman sya na si DWENDETO. Ayon sa kanya ay napabilang sa sa grupo ng mga puting dwende na gusto makatulong sa amin para mapa-alis ang pumapasok na espiritu sa ate ko. Binibigyan kami ng mga tips para hindi makuha ng kapre ang ate ko. Ayon sa kanya, mananatili ang ate ko at kahit kelan hindi mapupunta sa Kapre kung hindi sya kakain ng kung anu-ano na ibibgay ng kapre. Isa pa sa sinabi nito, na ang kanin nila ay gumagalaw na parang uod. At habang  tumatagal, nanghihina na ang ate ko. kaya sinabihan namin si Dwendeto na lumabas na sa katawan ng ate. at sumunod naman sya.. Pero, nung umalis na sya..may isa pang pumasok na Dwende at sya naman daw ay maitim na kasapi. kaya takot na takot ang mga magulang ko sa mga nangyayari. at naghanap kami ng paraan para mapalabas sya. Ang ginawa namin, kumuha kami ng asin at inilagay sa kamay ng ate ko, at dun lumabas ang masamang dwende, dahil sa init na kanyang nararamdaman na nagmula sa asin. Merong Boy Friend ang ate ko, kaya maaga nya itong pinakasalan para di nasuyuin daw ng mga di-karaniwang  na nilalang na manliligaw din ya. At dun nagwakas ang mga pangyayari sa ate ko. At syempre ang pagdarasal parin ang isa sa pinakamalakas na sandata na ginamit namin para sa masasamang espiritu na yun. First Chapter palang ito..meron pang secon nung ako ay nasa High School at 3rd Chapter sa College at 4th chapter after my schooling and soon. I ask my self  about this, bakit mahiwaga lahat ang aking nararanasan. I'm sure meron purpose si Lord sa Akin. Amen

1 komento:

  1. 1XBet
    Betting 1xbet 먹튀 in India. It can be great mens titanium wedding bands to find the most popular brands, especially ones that offer betting on sports such 출장안마 as football, tennis,  Rating: 1/10 · ‎Review https://septcasino.com/review/merit-casino/ by Riku VihreasaariWhere can I find 1xbet?Where can 출장안마 I find 1xbet betting?

    TumugonBurahin